Sa wakas, nagawa ko rin tong post na to. Kasi nagkaproblema sa pics tapos nagkaproblema sa time..or should I say walang time. Hehe. Anyways, this entry is about my 2007 National Election Experience. I was a third member of one of the election committees of New Era Elem School in Quezon City. Ang daming nangyari, kakaibang experience.. Masaya na haggard na nakakasad na nakaka-frustrate -- mixed emotions yung two-day election adventure ko.
May 13, Sunday
The election committees went to the Quezon City Hall to get the election paraphernalia. Kasama ko pala yung ate ko kasi nag-serve din siya nung election. Kaya habang hinihintay namin yung chairman namin, kodakan muna:
Siyempre naka-lollipop pa ko habang yung mga teachers sa likod inip na. Ang nakakainis pa, ang press release eh makukuha na yung 50% nung bayad sa mga magse-serve. But then, hindi lahat may payroll na, including the teachers of New Era Elementary School.
Ang aking sister Grace na f na f ang kanyang summer blouse kahit kauulan lang sa buong Lungsod ng Quezon. (What's with the peace sign?)
After nun, bumalik na kami sa school para ayusin yung mga classrooms.
This is Mrs. Tutaan. Shy siyang magpapicture kaya candid na lang ang drama niya.Mahirap din pala ang preparation period ng election. Ang daming ginagawa. At isa pang nakakainis diyan, eh ganitong klaseng uri ng ballot box ang ibibigay sayo:
Ayan! Isang ballot box na rubber band lang ang naglo-lock. Kahit padlock na madaling masira, wala. Kasi naman, ayaw pang gamitin ng government yung mga election machines na pagkamahal-mahal. Kasi di na makakapandaya pag ginamit yung mga machine na yun. Kaya ayan, magtiis na lang diyan sa dilaw na lata na yan..After namin i-post yung mga names ng mga voters sa classroom (or precinct), marami ng mga citizens ang nagpunta sa school para i-check yung names and precinct numbers nila. Nakakatuwa kasi talagang maraming gustong mag-participate on this year's elction including this lolo:
Kulang na lang makipag-nose to nose siya sa wall para lang mahanap yung name niya. Kakatuwa! :DMay 14, Sunday
Election day. Maaga pa lang nasa kanya-kanyang precinct na kami para mag-prepare. Di na ko masyadong nakakuha ng pictures kasi busy-busihan na.

Nung lunch break, ganito na itsura ng kamay ko. Ako kasi yung tagalagay ng indelible ink sa mga voters.
Nung malapit nang mag-3 o'clock, humabol pa tong miss na to:
Galing pa siya ng Bulacan at nagounta pa siya ng QC para makaboto. Wow naman.
Para masiguro ang safety, may ganitong eksena pa sa school.After ng botohan, bilangan na:
This is Mrs. Mamborang. Siya yung poll clerk sa committee namin. Siya yung nag-asikaso ng pagta-tally sa mga election returns.
Ako naman yung nag-tally sa sheets sa board. Medyo madali lang yung parta-tally sa New Era Elementary School kasi puro Iglesia yung mga nakatira sa community. So, bloc voting ang drama nila. 99% ng mga ballots, pare-pareho ang laman. Meron lang mga 2 or 3 na di sinunod yung sample ballot na binigay ng church nila.
Isang napakahabang proseso pa ang dinaanan namin bago matapos ang lahat. Lahat kasi ng mga tally sheets, envelopes, etc dapat may signature at thumb mark. Sakit sa kamay...
Once we were done fixing all the necessary stuff, pumunta na kami sa City Hall para i-submit yung mga ballots.

Isa ang May 14 sa mga napakahabang isang araw ko. Sobrang nakakapagod pero masaya rin kasi may nagawa kang mabuti, di ba? Yun nga lang ang dami talagang anomalies. Habang nagbibiyahe pauwi, kinuwentuhan kami ng tatay namin tungkol sa mga experiences niya dati pag nagse-serve siya sa election. Marami siyang mga nakaka-sad na stories.
Wala na kong energy after nun... Kinailangan ko ng matulog at magpahinga after that very long and tiring day kasi kinabukasan, may pasok pa ko sa office.. Hay... Sana lang yung mga nanalong candidates matitino para di naman masayang ang effort ng lahat at ang privilege natin, bilang isang democratic na country, na bumoto..










