Kaninang umaga, di ako nakasabay sa tatay ko pumasok kasi super aga nya umalis dahil may NSAT sa school nila ngayon. So, kami ni ate ay nag-commute at sumakay ng FX. Siya papunatang Fairview at ako naman papuntang MRT (Quezon Ave).
Wala akong barya kanina so ang binayad ko sa driver ng FX eh Php500. Tinanong naman nya ko kung meron ba kong smaller bill pero ang sabi ko wala. Tapos medyo na asar siya. Dinampot ang radyo niya at may kinausap. He was saying something like, “Naku mga limang gas stations pa dapat kong daanan para mapalitan itong limang daan.” Pero quiet lang ako kasi guilty ako di ba.
Tapos sabi nung kasusap niya sa radyo, “Bukas mo na suklian yan kunin mo na lang ang pangalan. Bigyan mo ng stub.” Sagot naman nung driver ng FX na sinasakyan ko, “Tama, parang baggage counter!. Hahahaha!”, Bad trip na ko pero sige lang kuya tumawa ka pa basta siguruhin mo lang na masusuklian mo ko. Well, after ilang minutes nasuklian naman niya ko in all fairness.
So nasaan yung aksyon? Eto na.
Malapit na kami sa Quezon Ave ng biglang may tumambad sa amin na mini-truck ng MMDA. Kumaway yung isang MMDA sa driver namin. Tumabi daw kami. Yung driver naman ng FX patay-malisya. Kunwari wala lang. Tsaka ako napaisip na aba, colorum pala siya. Tapos sabi niya sa amin sa napakahinahon na tono, “Wag niyo pong bubuksan yung pinto ah. Sabihin nyo service ito.” A ok. So tututruan mo pa kaming magsinungaling. Pero para lang huwag lang madamay o mapahamak pa sa hassle ni kuya, fine, kunwari service ito.
Sa pagaakalang he’ll pull over and negotiate with the MMDA guys, hala, he stepped on the gas at kumaripas siya ng takbo. Di kami dumiretso agad sa MRT. Lumiko siya dun sa daan papuntang Quiapo tapos may kausap nanaman siya radyo.
“Hinahabol ako ng aparador!!!!”, sabi niya. Aparador ata yung code name nila sa MMDA. Sagot naman nung kausap niya, “Ha?! Bakit? Eh di ba wala namang nag-inform sa atin na may nanghuhuli banda diyan?”
Imbes na sumuko sa mga kinauukulan, nagmatigas pa si kuya. “Ah basta, di ako hihinto. Dadalhin ko to sa Mahika“. Naku patay na. At saan naman yung Mahika, aber? Kuya was driving like crazy na. Ang daming beses na kaya namin muntik mabangga. Gusto kong sabihin, “Pwede po bang bumaba na lang dito?”. Pero di na ako nangahas magsalita baka ako pa mapag-initan. Wala ring ibang naghangad pang magsalita at kontrahin yung driver.
Tapos ayan na. Nasa tabi nanamin yung MMDA. Pero di kami nagpatinag at chini-cheer na namin si kuya, ”Go!!!”. pero sa isip lang yun. Nalampasan na namin yung MMDA pero alam naming nakabuntot pa rin sila.
Nag-U turn si kuya papunta sa Mahika. Isa pala yung parking lot na katabi rin mismo ng MRT. Paghinto niya, kumaripas kaming lahat sa pagbaba. Sakto naman na pagbaba ko, dumating na ang mga taga-MMDA. Galit ang mga itsura nila. Pero di na ko huminto sa paglakad at di na rin gumawa ng eye contact sa kanila kasi baka pagalitan ako.
Di ko na alam kung ano ang nangyari sa driver ng FX. Good luck na lang sa kanya. Di ko rin siya masisisi kasi kelangan nya ng pera at mahal ang prangkisa. Marami ring ang malakas ang loob na maging colorum kasi mataas ang demand sa public transpo at kulang talaga ang sasakyan.
DOTC, specifically the Road Transport division, kumusta naman.