April 13, 2009

Indie film

Bago mag-Holy week nakisiksik ako sa sandamakmak na tao sa St. Francis Square na nais bumli ng pirated DVD. Pagkatapos makapili ng mga movies na hindi ko napanood last year (e.g. Sweeney Todd, Juno) ay naisip ko na baka may Tagalog inde films sila. A fews week ago kasi may nakita akong nagtitinda ng DVD copies ng 100 at Pisay pero hindi ako bumili kasi baka hindi maganda yung kopya.

Nilapitan ko ang isang lalaki na may pwesto doon at nagtanong:

"Kuya, meron kayong indie film?"

"Meron po," sagot niya sabay halukay sa mga CDs na naka-display sa stall niya. Pagkalipas ng ilang segundo mahina niyang sinabi sa akin, "Ganito po ba?" sabay abot sa akin ng....

18-Year Old Virgin!


Wala na akong ibang nagawa kundi bilhin ang DVD matawa na lang (pramis hindi ko binili!). Sabi ko, "Hindi po ganyan, kuya. Mukha ba akong bumibili ng ganyan?"

In fairness kay kuya hindi na niya singaot yung tanong ko (baka kung ano pa ang isagot niya). Hindi ko alam kung paano i-eexplain sa kanya ang ibig sabihin ng indie film sabi ko na lang, "Eh meron po kayong Tagalog na hindi bold?"

"Naku bawal kasi sa amin ang magbenta ng Tagalog na pelikula," sagot niya.

"Ok."

.